📋 Tender Overview
Sec, Dizon: DPWH, PRC agreement masisigurong hindi mauulit ang iregularidad
Pumirma ng kasunduan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Professional Regulation Commission (PRC) na magpapataw ng permanenteng pagkansela sa professional license ng mga empleyadong mapapatunayang sangkot sa substandard o ghost projects ng ahensiya.
Ang kasunduan ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguruhing lehitimo, kalidad at napapakinabangan ang mga proyektong iniimplementa ng ahensiya sa buong bansa.
Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na mahalaga ang kasunduan sa pagitan ng DPWH at PRC upang mapanagot ang mga empleyadong sangkot sa ma-anomalyang proyekto at maiwasan na maulit pa ang mga kagayang iregularidad.
Kailangan magkaroon talaga ng malalim na working relationship ang DPWH at PRC para hindi lang mapanagot ang involved dito sa anomalya [substandard at flood control projects], para mapigilan pa na maulit ito sa mga susunod na taon, ani Secretary Dizon sa agreement signing kasama si PRC Chair Charito Zamora.
Its not just about accountability, but its also about safeguarding the institutions and the projects that DPWH is doing from now moving forward, dagdag ng kalihim.
Kaugnay nito, hiniling din ni Secretary Dizon sa PRC na permanenteng i-revoke ang professional license nina dating DPWH District Engineer Henry Alcantara at iba pang empleyado ng DPWH na sangkot sa ma-anomalyong flood control projects sa Bulacan.